The Evolution of Morning Greetings
Tuesday, May 23, 2006
If for example you came at four o'clock in the afternoon, then at three o'clock I shall begin to be happy. I shall feel happier and happier as the hour approaches.

Salamat talaga sa unlimited.

Dati rati, kapag babatiin mo ang mga taong mahalaga sayo ng magandang araw, hindi pwedeng basta good morning lang, or take care, or have a nice day. Kelangan may forwarded message sa unahan nya, o di kaya may quote. Sayang kasi ang piso. Kelangan sulit.

Pero ngayon, magigising na lang ako sa text ni Chris na magandang umaga, o sa text ng prinsesa na 'Good morning your grace!' o sa text ni Ngot na 'Ohayou Gozaimasu!', o sa greetings ng reyna na nagdedemand ng pagluhod, o sa pagbati ng goddess sa aming mga mortal, at sa greetings ng cardinal with his myriad of titles ng 3 text messages ang haba. Minsan personalized pa.

Nakakatuwa. These messages never fail to put a smile in my face, no matter how shitty i feel during that day.

Salamat sa inyo. Nakakainspire. Gusto ko na rin gumaya paminsan-minsan. Tamad kasi akong magtext. :)
 
posted by Lubert at 5:30 AM | Permalink


2 Comments:


At 5:31 PM, Blogger virge

how come hindi mo namention ang morning greetings ng kanyang kabunyian

[insert tampo here]

huhuhu

as a punishment i cannot confer thee the title that you are using yet, you will be inducted with your title 2 days henceforth hehe

[because cardinals proclaim titles]

 

At 9:19 AM, Blogger Goddess Levs

uy, line from The Little Prince.hehe...

mabuhay ang unlimited!:)